Wednesday, July 23, 2008

Casa Armas

Las wik, may nanlibre sa akin sa Casa Armas..hindi kasi ako mahilig sa Spanish fud, feeling ko e it is always swimming in oil.. e andito tayo sa pilipinas so most probably, hindi ito olive oil..
ang alam ko, ang Casa Armas is originally located sa Malate area..minsan na ako nalibre dito ng aking mga friends from Palacio del Gobernador..okay naman ang fud duon...

para sa adventure na ito, ang venue e ang Trinoma Mall sa Quezon City..so most probably, franchise ito.


Chicken Croquettes...parang ito lang ang winner nung gabing iyon..






Maganda ang picture pero wiz naman ito gud.. ito ay itlog na binalot ng mayonaise at tinusukan ng ham, olive at asparagus spear (na galing sa lata..)



Grilled salamon, actually tamad ang mga kusinero dito, ni hindi tinanggalan ng tinik ang isda, ako pa mismo ang nagtatanggal while eating!! e pano kung ka date ko ang kasama ko nuong mga panahon na iyon? di ba kahiya-hiya na habang numunguya ka e naglalabas ka ng mga tiny tiniks from your mouth? at ang patatas, swimming in oil....






Salpicado, actually, nung unang attempt namin na umorder nito, sabi n waiter, wala silang meat product kasi naubusan daw sila ng tenderloin tips...hala..wat a big no-no naman, di marunong ag inventory management!! e alam naman nila na iyon ang best sellers nila tapos nauubusan sila ng supply? eniwey, after ko makita ang isang mama na pumasok na me dalang shopping bag from landmark, e sinabihan kami ng waiter na available na daw ang salpicado..so order kami


wiz din winner.. the beef was tough and dry..buti na lang di namin pinatulan ang paella nila, malamang di rin masarap yun...

overall verdict...hindi na ulit kami babalik dito..not valuefor yor money...pwede pa siguro yung puro appetizers lang...pero kung Casa Armas din lang, dun na lang sa malate pupunta at wag sa mga Malls.

1 comment:

Anonymous said...

Mader, sana yung paella ang pinatulan nyo kasi winner yun! pag nakahanap ka ulit ng manlilibre sayo, yun ang orderin mo ha!

also, sabihin mo sa mga kaibigan mo na mag comment din sila dito kasi naman baka magpagkamalan nila ako na alter ego mo lang na iniba lang ang name! ako lang kasi yata ang mahilig mag-comment dito!