Dahil sa initial submission ko ng LPs kay Y, dapat i te-treat nila ako sa Mamou's sa Serendra. Kaso, bigla naman nagdilim ang langit at mukang tatangayin kami ng ulan at malakas na hangin kung sa isang outdoor restaurant kami puputa, kaya habang nasa EDSA pa ako e bigla ako kumanan sa may estrella papunta Rockwell.
Sa Myron's tuloy kami napadpad. Di ko alam kung bakit nag generate ang restaurant na ito ng too much blog controversy nung nag uumpisa pa lang ito..
Eto ang appetizer namin..tahong...ewan ko nga ba kung ano ang ikina glamorous ng tahong. e niluto lang naman ito sa butter, garlic at white wine..
Eto ang order ni Y, Louie's cut Steak..masarap yung roasted garlic, promise..
Ang order ni Z, soft shell crab with pasta..winner ito..well, except for the pasta..ndi maganda ang pagkakaluto..dapat, angel hair ang ginamit nila. i think, yung mga jologs na kasama ko nag eexpect na makakita ng crablets..hay...pedestrians..
eto ang order ko, pepper steak...medium well..wid shiraz sauce...mejo matigas and dry na pagdating sa akin..at maanghang sya..sabi nga ng mga kasama ko.."pepper steak kaya?!" well, ang pepper steak is not supposed to be "too" spicy at hindi parang swelas ng sapatos ang finishing
Mushroom steak, order ni X. Buti pa ito malambot. Pero bland. asa picture naman di ba?
at me karapatan ako mag comment sa lahat ng pagkain na ito dahil natikman ko lahat..oo, kiber ko sa mga katabi namin na nakikita ako na nagpipicture ng kinakain ng mga kasama ko at tumitinidor sa plato nila. bakit, sila ba nagbayad?
at habang sinusulat ko ang post na ito, saka ko lang napansin, hindi pala nila ako pinag dessert.
No comments:
Post a Comment